“Pamana ng Maykapal” (A speech in Filipino)

This is a speech I wrote for our Retorika (Rhetoric) class in Filipino and since I haven’t posted anything here in a while, I decided to post this. It’s a continuation of my sentiments regarding the passing of the Philippine Eagle, Pamana.

Advertisements

Pamana ng Maykapal

Danica Rose Aquino

            Marahil ang lahat ng nilalang ay mayroong natatanging kapangyarihang gustong makamit, kung pagkakalooban lamang ng pagkakataon. Nariyang may gustong makapunta sa iba’t-ibang lugar gamit lamang ang pagpitik ng mga daliri – mala mahikang maglalaho at mapapadpad sa ninanais na lugar sa loob lamang ng wala pang isang segundo. Mayroon namang gustong magkaroon ng kapangyarihang hindi makita ng mga ordinaryong mata, nang sa gayon ay malayang magawa ang mga ninanais na bagay nang walang kaakibat na responsibilidad. At ang iba nama’y nais makalipad gamit ang mga pakpak sa itaas ng kabundukan at mahagkan ang banayad na kalangitan at hangin. Wala ni isa sa mga nabanggit ang posibleng makayang gawin ng isang ordinaryong tao. Subalit, tayo ay pinagkalooban ng isang biyaya na mistulang guardia de la anghel ng himpapawid. Isang natatangi at kamangha-mmanghang nilalang na sa ating bansa lamang matatagpuan.

            Ang mga agilang mapayapa at malayang namumuhay bago pa man lubos na umapaw ang kamalayan nating mga Pilipino. Noong mga panahong tayo at ang kanilang lahi ay maituturing na iisa bilang magkaibigan – magkaibigang may paggalang at hindi nananamantala sa pamumuhay ng isa’t-isa. Ang mga agila noong namumukadkad ang mahaba at malakas na mga pakpak sa himpapawid. Ang mga agilang hari ng mga ulap at nagsisilbing magilas na tagapangalaga ng kabundukang hindi man lamang natin maipagtanggol mula sa sarili nating karahasan. Kung iisipin nating mabuti, sila ay may angking kakayahang wala sa hinagap nating mga tao. Tunay na sila’y espesyal at namumukod tangi. Ngunit, hindi lingid sa kaalaman nating lahat, ang biyayang ito ay may pangambang maglaho isang araw, di kalayuan sa ngayon. Dahil sa labis na pagputol ng mga puno at walang habas na pagpatay sa kanilang lahi. Maglaan tayo ng isang sandali at tanungin ang ating mga sarili; may kagandahang lubos nga ba ang paggawa ng mga bagay na nabanggit, sa atin at higit na maging sa mga kapwa natin nilalang na hayop? Panandaliang pag-unlad ng ekonomiya at bansa, ngunit kinalaunan – kung hindi natin pahahalagahan ang kalikasang mayroon tayo ngayon – ang susunod na henerasyon, ang ating mga magiging anak, ang magdurusa sa mga kapabayaang ginagawa ng pangkasalukuyan. Isa lamang si Pamana sa mga libu-libong agila na nagbuwis ng buhay bunga ng ating kawalang disiplina, pangil ng batas at kawalan ng sapat na edukasyon tungkol sa kanilang kahalagahan. Ilang pamana pa kaya ang maisasantabi at magsasakripisyo ng buhay gaya ng isang magiting na bayani bago tayo mamulat mula sa kamang-mangan?

            May dahilan kung bakit tayong mga tao ang nakatataas sa mga uri ni Pamana at ng iba pang nilikha. Pinagkalooban tayo ng matalinong pag-iisip hindi upang waldasin ang kayamanang mayroon tayo. Gaano nga ba kahirap gampanan ang isa sa pinakamahalagang silbi natin sa mundo? Gaano ba kahirap pigilan ang pangsariling kagustuhan na maglabas ng sandata – na dapat ay ginagamit pamuksa sa mga salot – at walang pakundangnang paslangin ang mga ibon na sumisimbolo ng ating pagka-Pilipino? Gaano nga ba kahirap maging Pilipino…


This is a speech I wrote for our Retorika (Rhetoric) class in Filipino and since I haven’t posted anything here in a while, I decided to post this. It’s a continuation of my sentiments regarding the passing of the Philippine Eagle, Pamana.

Featured image courtesy of www.birdingphilippines.com

Author: Danica Aquino

Tied the knot with performing arts since fourth grade; is an amateur writer (currently on her quest to writing her first novel); book and animal lover; always entranced by nature.

Have something to say? Please leave your comment below:

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s