Dalawang Pahina

Magkubli tayo sa kunwari at sa kung ano ang hindi kailan ma’y magiging tayo,
habang ninanasa ang mga pangakong sa panaginip lamang nabubuhay at totoo.

Sabay nating paglaruan ang mga salitang ni minsa’y hindi sinambit ng mga duwag na labi,
habang pinagmamasdan ang apoy na pumapaso sa’ting balat t’wing mapusok na haplos ang nagwawagi.

Mamuhay tayo ngayon na parang walang naganap na kahapon.
Kung sa ganoong paraan ka liligaya, ipagpapatuloy kong hilingin na sana’y hindi mawala ang ngiti sa’yong mga mata.

Magkubli tayo sa kunwari at sa kung ano ang hindi kailan ma’y magiging tayo,
habang ninanasa ang mga pangakong sa panaginip lamang nabubuhay at totoo.

Mananatili ako rito. Magkukubli. Magkukunwari.
Hanggang sa dumating ang araw na baka nais mo ring magtagpo tayo sa iisang dulo.

-d. rose / 2.12.17

Advertisements

Ulupong (Ikalawang Yugto)

Isang tula tungkol sa ahas… at mga inahas!

Ulupong,
‘yon ka.
Isang ulupong.

Masagasaan ka sana
ng mga rumaragasang trak
sa madilim na kalsada.
Mahulog ka sana sa bangin.
Liparin ka sana ng mapaminsalang buhawi.
Mabaog ka sana
nang hindi na dumami ang lahi ng isang tulad mo.

Ang sama ko!
Ang sama ko pala
para pag-isipan ka ng ganito.
Pero hindi ba
lahat naman ay nagiging masama
sa oras na masaktan tayo?

Patawarin mo ko.
Ayoko na sayo pero
patawarin mo ko
sa lahat ng masamang inisip ko.

Kahit gaano ka man kasama sa paningin ko,
hindi nawawala ang katotohanang
pare-pareho lamang tayong tao—
nagkakamali at
itinatama ang pagkakamali.

Kaya patawarin mo ko
katulad ng pagpapatawad ko sayo.
Pinalaya ko na ang tanikalang ‘yong iniwan,
gaya ng pagpapakawala mo sa’kin
kaakibat ng ‘yong paglisan.

Imahe mula sa moy1moy1 photobucket

Ulupong (Unang Yugto)

Isang tula tungkol sa ahas… at mga inahas!

Mapanglaw na tahanan
iyong inilawan,
matagal nang nagkukubli,
pagdating mo’y walang pasubali,
ika’y tinaggap nang
maluwat sa kalooban.

Tapat kang tunay—
ang sabi mo—
ako’y naniwala
‘pagkat dama ko ang totoo.
Ngumiti, nagtagpo
ang ating mga mata.
Ako’y masaya,
ngunit walang bakas nito
sa iyong madilim na mukha.

Matapos ang muling pagkikita
mula sa kahapon
ng mga nagdaang taon,
puso’y nakadama ng alinlangan,
kakaba-kabang inisip ang iyong katayuan
para sa atin—
sa akin.
Sa atin.
Sa akin.
(May “sa atin” nga ba?)

Lumipas ang mga oras,
nag-aalalang hinintay ko
ang iyong paraon.
Ang dating matiyagang bubuyog
ay nawala—
nilamon ng mga alon.
Alon na ‘yong nakita
sa mga mata ng iba.

Ang huling pag-uusap,
nagmarka ng malupit na katotohanan,
masahol pa sa isang kaibigang iyong tinuran—
hindi ko lubos maisip
magpapasok ng isang ahas sa aking tahanan,
ngunit ulupong pala
ang iyong tunay na kalooban.

Imahe mula sa moy1moy1 photobucket

The Struggle is Real: Translating Tagalog to English

Being bilingual is undeliably fun, as I can communicate with whoever in the world I want, and quite a battle too in terms of matching more appropriate words that counterpart what I’m trying to say. In a dreamy state I love poetry—those elegant use of metaphors and how it rouses the most delicate of human emotion. Oooh, what a beauty! But in everyday life I’ve known myself as sharp, direct to the point, and I don’t always have a sweet word to explain what exactly my thoughts and feelings are. It takes more time for me to sugarcoat everything I have to say in order to seem nicer and avoid argument or misunderstanding.
Continue reading “The Struggle is Real: Translating Tagalog to English”

Ang mga Mukha ng Undas

Gatas na malapot. Edi wow! Pabebe wave, hahaha! Mas gusto ko yung OTWOL ayoko sa PSY. Ayoko kalaro ‘to pikon. Gan’on naman talaga pag meron kang nararamdaman. Sinungaling! Meron dito sitsirya at biko. Bumibili ng rosas hindi maintindihan kung anong rosas binili. Sige kunin mo ‘yong maliit lang. Sayang pinambili ko para sa inyo. Hindi masarap, matabang. Pwede po bang kunin ‘yong naitra? Buti hindi umulan ngayon. Kaunti lang tao kumpara nakaraang taon ‘no? Nasan na ba’ng drayber niyo? Hindi kasi holiday bukas. Ang kumikita lang naman ay ‘yong mga mall at department store. Daga yung costume, ginuhitan ko pa sa mukha, nanalo! Nakalimutan na ang tunay na diwa ng okasyon. Kaya gusto ko sa unahan, maingay dito. ‘Yong iba may guwardya pa ‘no? Puro putik ka! Mayaman kasi. Nanalo ng tent, ‘yong maliit pambata. Pag gising niya sa umaga naka tambay na siya sa may tricycle. Nag uunahan sila sa sinangag! Pawis ka na. Paki bantayan na lang po, salamat. Maupo, maupo! Bitawan mo yan mapapaso ka. Ano bang lulutuin mo? 1, 2, 3! Ayoko pangit camera mo. Ang ganda ko talaga. Anong oras pasok mo? Alas nueve na. Walang text sa ‘kin? Anong pake ko sayo? Baka masunog ah. Malayo biyahe namin. Walang pagbabago. Mamaya may kukuha na niyan. Bye-bye na, ‘tay. Forever ‘yang kandila.

Araw ng mga santo, bukas ay mga kaluluwa. Ngunit nasaan na nga ba nagpunta ang mga ipinagdiriwang? Hayun, kasama sa libingan. Hindi na nga sila nakikita mula sa ilalim ng lupa, wala pang pag-gunita ang mga nakapaligid na anino. Pati mga naiwang alaala ng buhay, hindi man lubusang batid, pinapatay.

Danica Aquino

Blog Announcement

I started this blog posting stuff in English (my second language since I come from the Philippines, Filipino is my primary) for the use of reaching across the globe, and right now I’m thinking of publishing more of my poems and short stories translated in Filipino. I decided I want to hone my writing skills not only through the English language but also, and especially, through the language I grew up speaking. By doing so I wouldn’t feel the guilt of abandoning my culture and country when I am honestly more capable of sharing insights with my local speaking voice.

So, from now on I will be posting stuff in Filipino too. I hope you don’t mind. 🙂

 

Featured image courtesy of www.iconshut.com

“Pamana ng Maykapal” (A speech in Filipino)

This is a speech I wrote for our Retorika (Rhetoric) class in Filipino and since I haven’t posted anything here in a while, I decided to post this. It’s a continuation of my sentiments regarding the passing of the Philippine Eagle, Pamana.

Pamana ng Maykapal

Danica Rose Aquino

            Marahil ang lahat ng nilalang ay mayroong natatanging kapangyarihang gustong makamit, kung pagkakalooban lamang ng pagkakataon. Nariyang may gustong makapunta sa iba’t-ibang lugar gamit lamang ang pagpitik ng mga daliri – mala mahikang maglalaho at mapapadpad sa ninanais na lugar sa loob lamang ng wala pang isang segundo. Mayroon namang gustong magkaroon ng kapangyarihang hindi makita ng mga ordinaryong mata, nang sa gayon ay malayang magawa ang mga ninanais na bagay nang walang kaakibat na responsibilidad. At ang iba nama’y nais makalipad gamit ang mga pakpak sa itaas ng kabundukan at mahagkan ang banayad na kalangitan at hangin. Wala ni isa sa mga nabanggit ang posibleng makayang gawin ng isang ordinaryong tao. Subalit, tayo ay pinagkalooban ng isang biyaya na mistulang guardia de la anghel ng himpapawid. Isang natatangi at kamangha-mmanghang nilalang na sa ating bansa lamang matatagpuan.

            Ang mga agilang mapayapa at malayang namumuhay bago pa man lubos na umapaw ang kamalayan nating mga Pilipino. Noong mga panahong tayo at ang kanilang lahi ay maituturing na iisa bilang magkaibigan – magkaibigang may paggalang at hindi nananamantala sa pamumuhay ng isa’t-isa. Ang mga agila noong namumukadkad ang mahaba at malakas na mga pakpak sa himpapawid. Ang mga agilang hari ng mga ulap at nagsisilbing magilas na tagapangalaga ng kabundukang hindi man lamang natin maipagtanggol mula sa sarili nating karahasan. Kung iisipin nating mabuti, sila ay may angking kakayahang wala sa hinagap nating mga tao. Tunay na sila’y espesyal at namumukod tangi. Ngunit, hindi lingid sa kaalaman nating lahat, ang biyayang ito ay may pangambang maglaho isang araw, di kalayuan sa ngayon. Dahil sa labis na pagputol ng mga puno at walang habas na pagpatay sa kanilang lahi. Maglaan tayo ng isang sandali at tanungin ang ating mga sarili; may kagandahang lubos nga ba ang paggawa ng mga bagay na nabanggit, sa atin at higit na maging sa mga kapwa natin nilalang na hayop? Panandaliang pag-unlad ng ekonomiya at bansa, ngunit kinalaunan – kung hindi natin pahahalagahan ang kalikasang mayroon tayo ngayon – ang susunod na henerasyon, ang ating mga magiging anak, ang magdurusa sa mga kapabayaang ginagawa ng pangkasalukuyan. Isa lamang si Pamana sa mga libu-libong agila na nagbuwis ng buhay bunga ng ating kawalang disiplina, pangil ng batas at kawalan ng sapat na edukasyon tungkol sa kanilang kahalagahan. Ilang pamana pa kaya ang maisasantabi at magsasakripisyo ng buhay gaya ng isang magiting na bayani bago tayo mamulat mula sa kamang-mangan?

            May dahilan kung bakit tayong mga tao ang nakatataas sa mga uri ni Pamana at ng iba pang nilikha. Pinagkalooban tayo ng matalinong pag-iisip hindi upang waldasin ang kayamanang mayroon tayo. Gaano nga ba kahirap gampanan ang isa sa pinakamahalagang silbi natin sa mundo? Gaano ba kahirap pigilan ang pangsariling kagustuhan na maglabas ng sandata – na dapat ay ginagamit pamuksa sa mga salot – at walang pakundangnang paslangin ang mga ibon na sumisimbolo ng ating pagka-Pilipino? Gaano nga ba kahirap maging Pilipino…


This is a speech I wrote for our Retorika (Rhetoric) class in Filipino and since I haven’t posted anything here in a while, I decided to post this. It’s a continuation of my sentiments regarding the passing of the Philippine Eagle, Pamana.

Featured image courtesy of www.birdingphilippines.com